Buwan ng Wika

 

Ang Buwan ng Wika ay isang pagdiriwang sa Pilipinas na ginaganap tuwing buwan ng Agosto. Kadalasang ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa mga paaralan. Kaugnay nito, maraming mga kaganapan ang ginawa upang ipagdiwang ito, gaya ng sabayang pagbigkas, balagtasan, paggawa ng “slogan”, pagsulat ng mga sanaysay, pagbigkas ng tula, pagindak ng mga katutubong sayaw at pagkanta ng mga katutubong awit.

Noong Agosto 26, 2016, ang School of Saint John Bosco ay nakiisa sa buong bansa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang “Filipino: Wika ng Karunungan”. Isang paraan ng pagdiriwang ng ating paaralan ang taunang Patimpalak Pangkultura na nilahukan ng ating mga pili at katangi-tanging mag-aaral mula Preparatory hanggang ika-anim na baitang. Sila ay buong husay na nagpakita ng kanilang mga natatanging kakayahan at kaalaman.

Ang mga mag-aaral sa Preparatory at Kinder ay nagpakita ng isang sayaw na pinamagatang Mamang Sorbetero. Sa unang baitang sila naman ay nagpakita ng isang awit: Ako’y Isang Pinoy. Ang mga mag-aaral sa ikalawang baitang ay nagpakita naman ng isang tula: Wikang Pinoy. Akrostik tungkol sa Buwan ng Wika naman ang sa ikatlong baitang. Isang Interpretative dance, Ako’y Pilipino ang ipinakita ng ika-apat na baitang. Para sa pangwakas na presentasyon. Isang sayaw naman ang ipinakita ng ika-anim na baitang na pinamagatang Paru-Parong Bukid. Kitang-kita sa mga mata ng mga bata, mga guro, at mga magulang ang kasiyahang dulot ng nabanggit na programa.

buwanngwikab16