“Filipino: Wikang Mapagbago”. Ang nasabing tema ng Buwan ng Wika ay nagsilbing ugat ng programa upang gisingin ang kamalayan ng mga musmos na kaisipan ang kahalagahan n gating wika sa pang-araw-araw na pakikisalamuha sa lipunan.
Setyembre 1, 2017, ang School of Saint John Bosco ay nagdiwang ng Buwan ng Wika na may temang “Filipino: Wikang Mapagbago”. Nagsimula ang programa sa ganap na ika-walo ng umaga (8 a.m.). Sina Bb. Carryl Rubio at G. Kurl Violanta ang mga Guro ng Palatuntunan. Ang bawat baiting ay may inihandang presentasyon.
Kitang-kita sa mata ng mga magulang ang pagkatuwa na makita nilang nasa entablado ang kanilang mga anak. Bilang paghahanda sa presentasyon, pinamunuan ni G. Violanta ang isang panalangin at sinundan ng Pambansang Awit.
Bilang unang pagbati, nagsalita si Bb. Dory Articona, ang administrador ng paaralan. Ang unang nagpakita ng kanilang talent ay ang Unang Baitang sa pamumuno ni Gng. Formeloza.
Ang mga mag-aaral ay sumayaw ng Paru-Parong Bukid. Para naman sa Ikalawang Baitang sa pamumuno ni Bb. Montesines, ipinakita nila ang kanilang presentasyon sa pamamagitan ng pag-sayaw nang Mamang Sorbetero. Sa Ikatlong Bilang, ipinamalas naman nila ang kanilang kahusayan sa pagtula ng Acrostic, sa pamumuno ni G. Violanta.
Sinundan ng Ika-apat na Baitang, nagpakita ang mga mag-aaral ng pag-arte at pag-sayaw ng Natutulog Ba ang Diyos? sa pamumuno ni Bb. Rubio. Ang mga mag-aaral naman ng Ikalimang Baitang ay nagpamalas ng talent sa Interpretative Dance ( Ako ay Pilipino ), sa pamumuno ni Bb. Brul.
Para naman sa huling presentasyon, nag-mula sa Pre-Elementarya, sumayaw ang mga bata ng Mamang Pipit, sa pagtuturo ni Gng. Rea.
Sa pinaka-huling presentasyon ang mga kaguruan at piling mag-aaral ay sumayaw ng “Piliin Mo Ang Pilipinas”. Bilang pagtatapos ng programa nagbigay ng mensahe si Bb. Ofelia C. Agapay, punungguro ng paaralan.
Masayang-masaya ang lahat lalung lalo na ang mga magulang ng Saint John Bosco.